Isang lalaki na inaresto sa panghahalay sa isang bata ang namatay matapos atakehin ng epilepsy sa harap ng piskal na didinig sa kanyang kaso.

Ayon sa report, inaresto si Gerardo Argota, Jr., 45, binata, jeepney washer, at residente ng Punta, Sta. Ana, Maynila, noong Sabado ng hapon matapos na maaktuhan umano ng isang barangay tanod ang panghahalay niya sa isang anim na taong gulang na babae sa Sta. Ana.

Batay sa imbestigasyon, may kasamang mga pulis si Argota nang iharap sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings ngunit habang ipiniprisinta siya kay Duty Fiscal Hon. M. Josefina Concepcion ay biglang nangisay si Argota.

Isinugod sa ospital si Argota ngunit hindi na ito umabot nang buhay, dahil sa epilepsy. (Argyll Cyrus B. Geducos)
National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa