Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang apat na sundalo ang nasugatan sa engkuwentro sa Basilan nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Col. Rolando Bautista, ng Joint Task Group (JTG) Basilan, nakasagupa nila ang mga Abu Sayyaf sa Barangay Baiwas sa Sumisip.

Sinabi ni Navy Commander Roy Vincent Trinidad, chief of staff ng Naval Forces sa Western Mindanao, na nagsasagawa ng operasyon ang JTG Basilan sa naturang barangay nang nakasagupa nito ang grupo nina Radzmil Jannatul at Katatuh Balaman, dakong 11:00 ng umaga.

Tumagal ng 40 minuto ang sagupaan hanggang sa tumakas ang mga bandido, na pinaniniwalaang marami ang nasugatan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ginagamot sa Basilan Provincial Hospital ang apat na sundalo, habang patuloy ang paghahanap sa mga tumakas na bandido. (FER TABOY)