Simula ngayong araw, Oktubre 21, magsasagawa ang Manila Water Services, Inc. (Maynilad) ng road re-blocking and restoration work sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) cor. C. Jose St., sa Malibay, Pasay City matapos ang pagkumpuni sa tagas sa 150mm-diameter na tubo.

Hanggang bukas, Oktubre 22, tatlong sa limang north bound lane sa bahagi ng EDSA ang isasara sa trapiko mula 11 p.m. hanggang 5 a.m.

Sa umaga, ang mga lugar na ito ay maaaring daanan ng mga sasakyan dahil pansamantalang tatakpan ang mga hukay ng mga steel plate .

Gayunman, simula sa hatinggabi ng Oktubre 23 (Biyernes), dalawa sa mga lane na ito ang 24-oras na isasara sa trapiko para sa road restoration.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa Oktubre 24 (Lunes), makukumpleto ng Maynilad ang road restoration at bubuksan ang lahat ng limang lane sa trapiko.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Maynilad sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Authority (MMDA), at Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang mapagtitiisan ang pagsisikip ng trapiko malapit sa project site.

Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, ang mga work site ay babarikadahan at lalagyan ng mga ilaw at traffic/warning sign.

Pinaalalahanan ang mga motorista at mga taong naglalakad sa lugar na sumunod sa istriktong patakaran ng trapiko at sa mga regulasyon sa kaligtasan sa kalye. (Chito Chavez)