BEIJING (AP) — Tatlong binatilyo na nasa edad ng 11 hanggang 13 ang umatake at pumatay sa isang guro at ninakaw ang kanyang cellphone at pera sa timog China.

Iniulat ng state-run Beijing News noong Martes na ang mga binatilyo ay nakatambay sa isang elementary school sa bayan ng Lianqiao sa lalawigan ng Hunan noong Linggo nang magpasya silang pagnakawan ang nag-iisang guro na nagbabantay sa eskuwelahan.

Ayon sa ulat, pinalo ng mga binatilyo – nag-aaral sa ibang paaralan – ang 52-anyos na babaeng guro ng tabla, binusalan ng tela ang kanyang bibig at hinila patungo sa palikuran, kung saan ito namatay.

Nakasaad sa ulat na tumakas ang mga estudyante tangay ang cell phone ng guro at perang 2,000 yuan ($330).

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'