Labintatlong operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sinabitan ng “Medalya ng Kagalingan” ni Department of Interior and Local Government Secretary Mel. S. Sarmiento noong Lunes para sa kanilang matagumpay na anti-drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang Chinese at pagkakumpiska sa 10 kilo ng shabu noong Oktubre 15.

Ang mga pinarangalan ay sina Chief Insp. Roberto A. Razon, Sr., NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs task group supervisor; Senior Insp. Edecio O. Llano; Senior Insp. Aristedes N. Marinda; SPO4 Arsenio G. Caraveo; SPO4 Leila B. Agati; SPO2 Garry S. Abad; PO3 Joel F. Diomampo; PO3 Napoleon S. Zamora; PO3 Ranilo G. Mendoza; PO2 Ricky F. Gacelo; PO2 Rionaldo D. Sabulaan; PO1 Peggy Lynne V. Vargas; at PO1 Wilfredo U. Flores.

Sa isinagawang buy-bust operation sa parking area ng T&K Building sa Barangay Magsaysay sa Congressional Avenue corner EDSA, Quezon City, naaresto sina Zheng Yong, Xiong Bun Sy, Alexander Go, Chang Cheng Xu at Guo Weng. Nasamsam sa grupo ang mahigit 10 kilo ng shabu, puting Hyundai Accent na may plate number ABG-6547 at silver Toyota Altis na may plate number ZRW-851. (PNA)

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay