Isang malawakang balasahan ang sinasabing namumuo sa inaasahang pagtatalaga ng bagong Bureau of Immigration (BI) chief kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ni Justice Secretary Leila de Lima, na pinaniniwalaang kakandidatong senador para sa Liberal Party (LP) ng administrasyon.

Ang BI ay nasa ilalim ng Department of Justice (DoJ), at si Immigration Commissioner Siegfred Mison ay isang “bata” ni De Lima.

Ayon sa isang source mula sa DoJ, isang associate commissioner na nasangkot umano sa eskandalo ng suhulan ng puganteng Chinese na si Wang Bo ang umano’y napipisil ng Malacañang upang pumalit kay Mison sa kabila ng “mahina” umano ang track record nito.

Sinabi pa ng source na ang isa sa mga posibleng maging bagong BI chief ay isa umanong malaking fund-raiser ng LP para sa halalan sa 2016. - Mina Navarro

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon