WORLD Tourism Day ang pinakamalaking pandaigdigang pangyayari sa Turismo na ipinagdiriwang tuwing Setyembre 27 kada taon, na humihikayat sa kamalayan hinggil sa turismo at ang kahalagahan nito sa lipunan, kultura, pulitika, at ekonomiya sa mga gumagawa ng mga desisyon at sa publiko sa kabuuan.

Ang sentro ng Turismo sa katayuang pang-ekonomiya at ang kapabilidad nito na maging positibo ang reporma sa mga bansa, sa kumunidad, at maging sa buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang tema ng World Tourism Day sa taong ito ay “One Billion Tourists, One Billion Opportunities.”

Ang United Nations World Tourism Organization (UNWTO) na nakabase sa Madrid ay naglunsad ng kampanya para sa potensiyal na pagbabago upang makapagtala ng isang bilyong turista at pandaigdigang kapangyarihan ng pagbibiyahe at ang sektor ng turismo. Ang mga ahensiya ng gobyerno, mga negosyante at mga organisasyon ay naglunsad ng mga espesyal na aktibidad at kapistahan katulad ng photo contests, essay writing contests, award presentations, free entry o discount sa mga lugar ng turismo, special trips sa pupuntahang mga destinasyon at video presentations na naglalayong itaguyod ang turismo.

Ang mga international tourists na bumisita ay umabot sa 1,138 milyon noong 2014, na umaabot sa 4.7 porsyentong tumaas kesa sa nakaraang taon; at ito ay inaasahang lalago pa sa 2015 upang makatulong na makabawi sa ekonomiya, ayon ito sa UNWTO. Sa positibo namang pananaw na inaasahan ang paglago ng international tourism sa 1.6 bilyong sa taong 2020, bumuo ang UNWTO ng Global Code of Ethics para Turismo, isang gabay sa pagpapaunlad sa turismo na naglalayong “ makatulong na mabawasan ang mga negatibong isyu sa turismo tungkol sa kapaligiran at pamanang kultural samantalang lulubusin naman ang mga benepisyo para sa mga residente sa destinasyon ng turismo.” Ang Code ay tumutulong sa mga gobyerno, local communities, tourism industry at mga partner, lalo na sa mga international at domestic visitor.

Ang modernong turismo ay naghahatid ng paglago, nagbibigay ng milyong trabaho, pinangangalagaan ang kulturang pamana at bumubuo ng sapat na sosyedad sa mga darating na panahon. Isang mahalagang salik kung bakit umuunlad ang katayuang panlipunan, dahil umuunlad ang maraming mga bagong attractive tourist destinations, at ito ang nagbibigay ng mga pangunahing pinagkakakitaan ng maraming umuunlad na mga bansa, kabilang na ang Pilipinas, na ang promotional campaigns na inilunsad ng Department of Tourism ay tumatarget ng 10 milyong turista sa 2016.

Unang ipinagdiwang ng UNWTO ang World Tourism Day noong 1980. Napili ang Setyembre 27 sa dahilang ang petsang ito ay nagmamarka ng mahalagang yugto sa mundo ng turismo – ang anibersaryo ng paghango ng UNWTO Statues noong Setyembre 27, 1970.

Sa ika-12 Sesyon sa Istanbul, Turkey, noong Oktubre 1997, ang UNWTO ay nagtalaga ng magiging punong-abalang bansa bawat taon na magsisilbing katuwang nila sa selebrasyon. Sa taong ito, ang Burkina Faso, sa West Africa, ang siyang magiging host kung saan ang mga pangunahing atraksiyon nito ay ang historical mosque at mga palasyo, ang national parks at zoo gardens, mga lawa at talon, at ang mga malalaking arts at crafts industry ng bansa.