Umapela ang Malacañang sa publiko na paghandaan ang abala na inaasahang idudulot ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Nobyembre.

“We are hoping for everyone’s cooperation as we welcome all our visitors and our guests for the APEC Economic Leaders’ Summit,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa panayam ng DZBB.

Ayon kay Valte, dapat nang asahan ng mga Pinoy ang pagpapalit ng kanilang mga schedule at aktibidad upang maka-adjust sa pagdagsa ng mga head of state ng iba’t ibang bansa na dadalo sa pulong. - Ellson A. Quismorio
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists