ISULAN, Sultan Kudarat - Ilang motorista ang naghihimutok sa madalas at wala umano sa katwirang panghuhuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at ng Land Transportation Office (LTO).

Sa personal nilang sumbong, sinabi nila na bagamat kumpleto ang papeles ng kani-kanilang sasakyan ay kung anu-ano umanong paglabag ang ibinibintang sa kanila, na ang ilan ay may katumbas na libu-libong pisong bayarin o multa.

Anila, bukod sa abala sa biyahe, perhuwisyo pa sa kanila ang paghahanap ng perang ibabayad sa paglabag. Gayunman, inamin ng ilan sa kanila na may mga pagkakataon na nadadaan umano sa pakiusap ang mga nanghuhuli, at nang tanungin kung magkano o ano ang kapalit ay ngumiti lang sila.

Sinabi naman ni SPO3 Remegio Balayo, ng Sultan Kudarat PNP-HPG, na ang kanilang panghuhuli ay batid ng Provincial Treasurer’s Office at pagpapatupad lang sa truck ban ng lalawigan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mariin ding sinabi ni Balayo na wala silang kinalaman sa multang sinisingil sa bawat paglabag dahil LTO umano ang nagtatakda nito. (Leo P. Diaz)