Magbubukas ngayong hapon ang NCAA Season 91 chess tournament sa Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ito ang unang hosting na gagampanan ng Emilio Aguinaldo College bilang regular member ng liga.

Ganap na 1:30 ng hapon magsisimula ang tapatan ng sampung paaralang kalahok sa liga kapwa sa seniors at juniors division.

Nakatakdang magtapat sa unang araw ang Arellano University at Jose Rizal University gayundin ang Lyceum of the Philippines at University of Perpetual Help.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Magtutuos din sa opening day ang College of St.Benilde at ang Mapua gayundin ang San Beda College at multi titled San Sebastian College.

Sa isa pang pairing, maghaharap naman ang Letran at ang event host EAC.

Sisimulan ng Arellano University ang kanilang back-to-back campaign para sa seniors division habang uumpisahan naman ng Letran ang kanilang title retention bid sa juniors side. - Marivic Awitan