JACKIE FORSTER 2

NAGING guest sa Aquino and Abunda Tonight nitong nakaraang Huwebes ang nagbabakasyong si Jackie Forster na naibahagi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya makausap ang kanyang dalawang anak sa ex-husband na si Benjie Paras -- walang iba kundi ang mga sikat na rin sa kani-kanyang field  na  sina  Kobe (sa sports) at Andre (sa showbiz).

Sabi ni Jackie, napapagod na siya sa kahihintay kung kailan darating ang pagkakataong magkakausap silang mag-iina.

Matatandaan na sa huli nilang pag-uusap ilang taon na ang nakakaraan, humingi ng dalawang taong “space” ang dalawang anak bago sila magkaharap-harap, pero hanggang  ngayon ay hindi pa rin ito nagaganap.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, sinabing hindi kamangmangan tunay na kalaban ng edukasyon

Hinala ni Jackie, na-brainwash ang kanyang mga anak.

“They think I just turned my back and abandoned them because I wanted to go with another man,” ani Jackie na mariing itinanggi ang sabi’y pagtatakwil sa mga anak.

May proofs daw siya na ginawa  niya ang lahat  para magkaayos  silang mag-iina.

“I have legal  documents, friends that have helped me try to see them, social workers, lawyers...”

Sa kabila ng lahat, patuloy na umaasa si Jackie na maaayos ang lahat para sa kanya at sa mga anak niya.

“Why can’t we be all friends? Let’s take the mature route,” may pagsusumamong sabi niya. “Bakit hindi i-push to do the more positive thing?”

Malalaki na sina Kobe at Andre at naniniwala si Jackie na maiintindihan na ng dalawa ang nangyari sa kanilang mga magulang.

“Kung ano man ang nangyari sa amin noon ng Papa nila, it’s all in the past, tapos na ‘yun…” sabi ni Jackie.

“Wala na, eh, pinagdusahan ko na ang mga bintang nila sa akin. Now is the time for them to get to know me. I’m here if they want to get to know me.”

Naging sandalan ni Jackie ang kanyang asawa ngayon (foreigner based in Malaysia) na suportado ang ipinaglalabang atensiyon ng ina sa dalawang anak.

“He gives me every opportunity to come back home just for that, maybe I could see them. He hopes everything will be fine soon even though he doesn’t get all of this. He doesn’t understand how people can be this cruel,”

paliwanag ni Jackie.

Kung nagkasala man daw siya, noon pa ay inihingi niya iyon ng kapatawaran sa mga anak.

“At this point, I’ve asked for forgiveness for whatever it is.

If there’s something else that’s bothering them I’m willing to talk about it but it seems the doors are close,” pahayag ni Jackie.

Pagod na siya at bahala na ang tadhana kung kailan magaganap ang pagtatagpo’t pag-uusap nilang mag-iina.

“I will never stop loving them,” sabi ni Jackie.

Nasabi rin ni Jackie na ang pinakamasakit na akusasyon sa kanya  ay ang pagiging “bad mother”.

Nang tanungin siya ni Kuya Boy ng, “What is happiness to you?”

“Selfie with five children,” makahulugang sagot ni Jackie.

Bukod kina Kobe at Andre, may tatlong anak si Jackie sa kanyang foreigner husband.(ADOR SALUTA)