Sunud-sunod na lindol ang naramdaman sa Davao del Norte, kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Santo Tomas, ganap na 11:17 ng gabi noong Sabado.

Aabot naman sa Intensity 4 na lindol ang naitala sa Sto. Tomas, habang naramdaman din ang Intensity 3 sa Davao City.

Ito ay nasundan pa ng magnitude 3.5 na lindol sa nasabing lugar dakong 11:37 ng gabi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mula 1:00 ng umaga ng Linggo, naitala rin ang Intensity 3.2, 3.4 at 3.7 na lindol sa Sto. Tomas.

Pero, sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang pinsala ang pagyanig.