MAY kumakalat na usap-usapan na engaged na sina Chris Brown at ang nobya niya na si Karrueche Tran noong Huwebes, Disyembre 25.

Chris and KarruecheNagsimula ang isyu nang makita ang ibinahaging larawan ni Karrueche, 26 sa kanyang Instagram account na makikita ang kamay niya na may suot na dalawang singsing.

Bagamat nakasuot ang mga ito sa kanang kamay, katulad ng engagement ring ang mga singsing. Ito ay maliit na may maliit na batong hugis diamond.

Makalipas ang ilang araw, kumalat ang usap-usapan na galing kay Chris ang nasabing singsing at ito nga ay engagement ring.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Nagsimulang lumabas ang Loyal singer, 25, at ang modelo noong 2011, at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at naghiwalay ng ilang beses sa loob ng ilang taon. Noong nakaraang linggo ay nag-away ang magkasintahan na naging dahilan upang humingi ng kapatawaran si Chris sa kanyang mga sinabi tungkol kay Karrueche at sa dating kasintahan na si Rihanna.

Nagsimula ang away nang akusahan ni Chris si Karrueche na may lihim itong relasyon kay Drake. “We’ve got scars, some of them u gave me, some of them I’ve caused,” ayon sa kanyang isinulat. “That ride or die act we have been fooling the world with obviously ain’t working… I was locked up for damn near 4 months and only got 1 visit from you while u was hosting parties and taking secret trips to Toronto, going on dates with Drake!”

Hindi nagtagal ay humingi siya ng kapatawaran sa pamamagitan ng kanyang Instagram noong Linggo, at sinabing: “Being young and dumb is one of my strong suits and emotional at best. I love hard and react impulsively when I’m hurt at times. I don’t think social media is a place to air out or hash out personal problems and a n---a feel hella WACK for doing it. So I AM APOLOGIZING I live in a glass house and the same s--t that makes me great also is my curse. Everybody know I love that girl. I don’t care how my image look to the public because I’m still gonna be the best at what I do. I just want baby girl to know I apologize!” - US Weekly