VERY busy na naman pagtuntong ng Marso si Marian Rivera pero lalo pang madadagdagan ang work load niya dahil sunud-sunod na rin ang magiging taping ng bago niyang soap sa GMA-7, ang The Rich Man’s Daughter simula sa March 11.

Marian RiveraLent season na kasi kaya double time na ang production na iginagalang nang husto ang Semana Santa.

“Ten days din po akong mawawala dahil ipadadala ako para sa GMA Pinoy TV shows sa Canada at USA,” kuwento ni Marian. “Aalis kami sa April 22 kaya kailangan naming magbangko ng mga episodes, pilot week na namin sa first week of May, pagbalik namin.”

Tinanong namin ang head writer ng new soap ni Marian tungkol sa controversial character na gagampanan ng actress.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

“Marian is Jade Tanchingco, heiress ng very wealthy Filipino-Chinese family na ang holdings ay sa real estate, retail and airline,” sagot ni Suzette Doctolero. “Youngest and only daughter, the jewel in the family, nag-announce ang kanyang rich father na naghahanap siya ng manliligaw kay Jade at handa siyang magbayad ng milyones sa sinumang lalaki na magpapaibig sa kanyang anak.”

Hindi na nagdetalye si Suzette ng ibang mangyayari, tulad ng nauna na naming naisulat na makikipagrelasyon ang character ni Marian sa kapwa babae.

“Para sa akin, ito na ang pinaka-challenging role to date na gagampanan ko at alam kong mahihirapan akong i-portray ang role ni Jade,” sabi naman ni Marian sa storycon ng soap kasama ang co-stars at si Direk Dominic Zapata. “Kaya talagang pinaghahandaan ko at pag-aaralan ang character ni Jade.”

Sino kaya kina Katrina Halili, Glaiza de Castro at Pauleen Luna ang mamahalin ni Jade? Pero sinabi ni Marian na iba’t ibang klase raw ng pag-ibig ang ipakikita nila sa drama series. At sino kina Luis Alandy, Paolo Contis at Mike Tan ang iibigin niya?

Kasama rin sa cast sina Ms. Gloria Romero, Al Tantay, Sheena Halili, Charee Pineda, Tony Mabesa and Glydel Mercado as Jade’s mom, gaganap na brother niya si TJ Trinidad.

Samantala, nai-launch na si Marian bilang cover ng New Hair Asia magazine noong Martes, nag-taping din siya para lifestyle show na Mars nina Camille Prats at Suzi Entrata na mapapanood sa Biyernes, March 6, sa GMA News TV, 7:00 PM. Kasama niya si Boobay at pag-uusapan nila sa show ang ups and downs sa pagkakaroon ng gay best friend or GBF? Ipakikita ni Marian ang pagluluto niya ng five spice tilapia with ponzu sauce mula sa kanyang personal cookbook.

Nagpapasalamat si Marian na muling napapanood ang kanyang epic drama series na Amaya sa GMA News TV simula nitong Lunes, March 2, 8:30–9:00 a.m. Nakakatuwa dahil maganda pa rin ang texture ng show, iisipin mong ngayon lamang ito ipinalabas.