Marc Gasol

MEMPHIS, Tenn. (AP)- Isinalansan ni Marc Gasol ang unang 7 puntos sa ikalawang overtime, habang nagposte si Zach Randolph ng 27 puntos at 17 rebounds upang dispatsahin ng Memphis Grizzlies ang Phoenix Suns, 122-110, kahapon.

Tumapos si Gasol na may 12 puntos upang tulungan ang Memphis na tapyasin ang two-game losing streak. Nag-ambag si Mike Conley ng 25 puntos at 8 assists habang nagtala si Courtney Lee ng 18 puntos.

Pinangunahan ni Isaiah Thomas ang Phoenix na taglay ang 20 puntos, subalit binalutan ng turnover upang kunin ang bola sa front court kung saan ay lamang pa ang Suns sa huling bahagi ng unang overtime.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagdagdag si Markieff Morris ng 17 puntos, inasinta ni Alex Len ang 14 puntos at 13 rebounds, habang itinarak nina P.J. Tucker, Eric Bledsoe at Marcus Morris ang tig-11 puntos. Nagkaroon pa ng tsansa si Bledsoe na maipanalo ang unang overtime, subalit ang kanyang off-balance shot sa linya ay sumablay sa rim bago tumunog ang final buzzer.

Napasakamay ngayon ng Phoenix ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Kinaaniban ang Suns ng foul trouble sa ikalawang overtime. Napatalsik si Goran Dragic sa unang overtime matapos ang turnover ni Thomas. Sa unang laro sa ikalawang overtime, na-fouled out si Len mula sa field goal ni Gasol. Tinawagan naman si Markieff Morris ng kanyang ikaanim na foul sa nalalabing 2 minuto sa orasan.

Wala sa hanay ng Grizzlies si forward Tayshaun Prince at swingman Quincy Pondexter, hinintay ang pagkumpleto sa three-team trade. Noong Linggo ng gabi, isang personalidad na pamilyar sa deal ang nagsabi na sumang-ayon na ang Grizzlies, Boston Celtics at New Orleans Pelicans sa five-player trade na magdadala kay forward Jeff Green mula sa Boston patungong Memphis. Nagsalita ang personahe sa The Associated Press sa kondisyon na huwag siyang pangalanan dahil ang trade ay ‘di pa inihahayag at wala pang pormal na approval ng NBA.

Posibleng mapunta si Prince ng Memphis sa Boston at Pondexter na mula sa Memphis patungong New Orleans.

Napag-iwanan ang Suns sa 16 sa second half at 14 sa kaagahan ng fourth quarter.

Naisakatuparan ni Marcus Morris ang tatlong sunod na baskets upang dalhin ang pagka-iwan sa single digits na lamang. Ang atake ang siyang nagpasimula para sa 11 sunod na puntos ng Phoenix, itinulak ng Suns ang 82-79 lead sa natitirang 7 minuto sa orasan.

Ang layup ni Tucker ang nagtabla sa 101 iskor, may 5.9 segundo pa sa regulation. Nagmakaawa ang Grizzlies hinggil sa basket interference na nagsabing hinatak ni Bledsoe ang net upang tumalbog ang bola sa rim.

Ang 3-pointer ni Bledsoe, may 33.3 segundo pa sa korte sa unang overtime, ang nagkaloob sa Suns ng 108-106 lead, ngunit naibigay ni Thomas ang bola kung saan ay tumanggap ng foul si Lee kay Dragic tungo sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 16.2 segundo.

Naimintis ni Bledsoe ang basket bago tumunog ang buzzer na siyang pumuwersa para sa ikalawang karagdagang period.

Nakamit ng Grizzlies ang 24 turnovers habang nagtala ang Suns ng 21.

TIP-INS

Suns: Napasakamay ng Phoenix ang ikaanim na pagkatalo sa series. ... Si Brandan Wright, pinakawalan ng Celtics noong Sabado, ay nagsagawa ng unang appearance para sa Suns, umentra sa laro sa unang quarter. Tumapos ito na mayroong 7 puntos, humirit ng tatlo sa apat na mga buslo. ... Ang Suns ay 0-4 sa overtime sa season na ito.

Grizzlies: Naisakatuparan ni Randolph ang 6 sa kanyang unang 7 shots kung saan ay kumubra ito ng 18 puntos sa unang half. Taglay nito ang kanyang ikalawang sunod na double-double matapos na maimintis ang siyam na mga laro sanhi ng tinamong soreness sa kanyang kanang tuhod. ... Ang huling dalawang kalaban ng Memphis, ang Atlanta at New Orleans, ay may kumbinasyon na 23-of-45 mula sa 3-point range. Taglay naman ng Suns 8-of-35.