MASALIMUOT ang pagkamatay ni Andres Bonifacio hindi tulad ng pagkamatay ni Jose Rizal na pinapatay ng mga Kastila noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park).

Kung susuriing mabuti ang mga tala ng kasaysayan, may mga historyador at manunulat ang naniniwalang si Bonifacio ang dapat ituring at kilalaning unang Pangulo ng Pilipinas. Noong Hulyo 7,1892, nang malaman niya na ipinatapon si Rizal sa Dapitan, itinatatag ni Bonifacio ang Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK sa layuning mag-alsa at maglunsad ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Pinulong niya ang limang malalapit na kaibigan: Sina Jose Dizon, Valentin Diaz, Deodato Arellano, Ladislao Diwa at Teodoro Plata para sa pagtatatag ng KKK na magpapasimula ng pakikihamok sa mapaniil na gobyernong Kastila sa Pilipinas. Siya ang nahalal na Supremo ng bagong tatag na Katipunan. Gayunman, nagkaroon ng dalawang paksiyon ang KKK: Ang Magdiwang ni Bonifacio at ang Magdalo ni Emilio Aguinaldo ng Cavite. Sa paniniwalang siya ay dinaya sa halalan sa Tejeros Convention sa Naic, Cavite, humiwalay si Bonifacio at nagtatag ng sariling grupo na tinawag niyang Haring Bayang Katagalugan (HBK).

Ang salitang Katagalugan noon ay sumisimbolo sa lahat ng mamamayan ng bansa mula sa Visayas at Mindanao at hindi literal o ekslusibo lamang sa mga mamamayan ng mga probinsiyang ang salita ay Tagalog.

Siya ang nahalal na Pangulo ng HBK, at ang sumusunod ang napiling mga pinuno nito: Emilio Jacinto bilang Minister of State; Teodoro Plata, Minister of War; Aguedo del Rosario, Minister of Interior; Briccio Pantas, Minister of Justice; Enrico Pacheco, Minister of Finance; Silvestre Baltazar, General Treasurer; at Daniel Tirona, Secretary General.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samakatwid, ang gobyerno ng HBK ay naghalal kay Bonifacio bilang Pangulo. Samantala, si Gen. Emilio Aguinaldo naman ay nagproklama ng Kasarinlan noong Hunyo 12, 1898. Ang dalawang gobyerno ay hindi kinilala ng mga Kastila at Amerikano bagamat pareho namang may Pangulo at miyembro ng Gabinete. Sana ay maituwid ang mga katotohanan sa kasaysayan upang kilalanin ang tunay na Unang Pangulo ng bansa.