Para mabigyan ng skills training sa pagiging mekaniko tungo sa pagkakaroon ng trabaho, kukumpunihin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at World Vision Development Foundation Incorporated ang Auto Mechanic Training Center sa Abucay, Tacloban City.

Sa pinirmahang kasunduan nina TESDA Director-general Joel Villanueva at World Vision Executive director Josaisa Dela Cruz, pinondohan ng P15.187 milyon ang rehabilitasyon sa naturang training center na sinira ng supertyphoon Yolanda noong Nobiyembre 2013.

“Rebuilding the center will bring fresh hopes to the trainees that their education can continue and that they can move on after the tragedy,” ani Villanueva.

Nakabangon mula sa kalamidad at nagkaroon ng financial freedom ang mga magsasaka sa Lemery, Iloilo sa pamamagitan ng Farmers Integrated Development Assistance o FIDA, iniulat ng Foundation for a Sustainable Society, Inc.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Mr. Ronnie Camangon, operations head ng FIDA, katuwang ang Taytay Sa Kauswagan, Incorporated (TSKI), naalayan ang Pontoc Farmers Association para magkaroon ng puhunan, pasilidad at naturuan ng makabagong teknolohiya para mapalaki ang produksyon na nagresulta upang lumaki ang kita.

Dahil sa magandang resulta ng FIDA sa Lemery, Iloilo, itinataguyod na rin ng FSSI ang programa sa tatlong lalawigan, 11 bayan at 29 barangay.