Hinikayat ang House Committee on Higher and Technical Education na suriin ang sitwasyon ng edukasyon para sa mga guro sa bansa, partikular sa mababang passing rate ng mga examinee sa Licensure Examination for Teachers (LET) mula 2009 hanggang 2014.

Inihain ni Pasig City Rep. Roman T. Romulo ang House Resolution 1814 upang himukin ang mga kapwa niya mambabatas na imbestigahan ang pagdami ng mga Teacher Education Institution (TEI) na nagreresulta sa paglala ng problema sa mababang kalidad ng edukasyon ng mga guro sa ngayon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho