Nyoy Volante

KUMPIRMADO na, Bossing DMB na ang programang Your Face Sounds Familiar ang viewing habit tuwing weekend dahil nanguna sa social media nationwide ang #YFSFTransformation sinundan ng #TinaTurner na ginaya ni Nyoy Volante, #Cher ni Jolina Magdangal, #Nyoy, #Jolens at #JayR noong Sabado ng gabi. 

 

Bagamat hindi napasama sa pinag-usapan sa social media 

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

si Karla Estrada, na ginaya si Meghan Trainor sa awiting All About That Bass, ay stand out naman siya sa lahat ng kalahok at maging ang kapwa niya contestants ay humanga sa kanya.

  

Sabi nga ng tatlong jury na sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta, pangatlong linggo pa lang nila ay pawang magaganda na ang ipinakita ng mama ni Daniel Padilla dahil hindi siya natatakot na mag-experiment.

  

Oo nga naman, una si Sharon, sumunod si Chaka Khan at si Meghan na talagang gayang-gaya niya pati boses.

  

Puring-puri naman ng netizens si Nyoy bilang si Tina Turner dahil kamukha talaga, pati pagngiwi ng bibig, at kaboses din. Malaking challenge sa acoustic singer na magdamit-babae at mag-ahit ng balahibo sa kili-kili. Kaya talagang maraming napabilib ang binatang singer.

 

Hindi masyadong nagaya ni Jay-R si Bamboo pagdating sa boses at make-up, pero sa kilos, puwede na.

  

Maging si Tutti Caringal ay hindi rin masyadong kamukha si April Boy Regino dahil para sa amin, mas naging kamukha niya ang kilalang negosyanteng si Atong Ang, ang boses, medyo lang.

  

Panalo ang make-up ni Jolina bilang si Cher dahil gayang-gaya, okay din ang boses ‘yun nga lang, minus factor din pala na maliit siya dahil sobrang tangkad ng kilalang music icon.