Gary David

Laro ngayon:(Smart Araneta Coliseum)

7 pm- Rain or Shine vs. Meralco

Karanasan kontra talento.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ganito ang nakikitang takbo ng magiging laban sa pagitan ng Rain or Shine at Meralco sa semifinals ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Magsisimula ang best-of-five series ng Elasto Painters at Bolts sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We are just an experienced team but not talented against Meralco,” pahayag ni RoS head coach Yeng Guiao kasunod sa pag-usad nito sa semis matapos ungusan ang Barangay Ginebra, 92-91, sa quarterfinals.

Ngunit para kay Bolts coach Norman Black, kailangan nilang magdoble-kayod kontra sa elimination top notcher na Elasto Painters.

“Let’s see what we can do against Rain or Shine. They uses all their players and it means we have to get a very good effort from our import and our players,” pahayag ni Black.

“We know how strong Rain or Shine is, it’s gonna be tough for us,” dagdag pa ni Black makaraang mawalis ang best-of-three quarterfinal series nila ng NLEX sa pamamagitan ng 91-85 panalo sa Game Two noong nakaraang Linggo.

Muli, aasahan ni Guiao para pangunahan ang kampanya nila na makausad sa finals ang import na si Wayne Chism, ang pagpapatuloy sa maturity ng laro ni Raymund Almazan at manatiling mainit ang shooting capacity ni Jeff Chan katulong ang iba pang beterano na sina Paul Lee, Gabe Norwood, Jervy Cruz at JR Quiñahan.

Para naman kay Black, sasandigan nito upang ihatid ang Meralco sa una nilang finals appearance, magmula nang lumahok sa liga noong 2010 matapos bilhin ang prangkisa ng Sta. Lucia Realty, sina import Josh Davis, local standouts Gary David, Reynel Hugnatan, FIl-Am Cliff Hodge, Mike Cortez, league 2-time MVP Danny Ildefonso at isa pang Fil-Am na si Sean Anthony.