JJ Redick

BOSTON (AP)- Tahimik na rumeresponde ang Los Angeles Clippers makaraan ang pares ng nakadidismayang pagkatalo sa mga kalaban sa Western Conference.

Umiskor si J.J. Redick ng 27 puntos, habang nagtala si Chris Paul ng 21 puntos at 10 assists upang tulungan sa panalo ang Clippers laban sa Boston Celtics, 119-106, kahapon at ikasa ang kanilang ikapitong sunod na panalo.

Noong Marso 13, ang Clippers, wala sa hanay si Blake Griffin, ay nabigo via 129-99 sa Dallas. Makalipas ng dalawing araw ay sumadsad naman sila sa sariling tahanan kontra sa Houston, 100-98.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Simula noon ay nagising na koponan sa pamamagitan ng mga panalo, kasama na ang apat na ang double-digit road victories.

‘’Our offensive execution is amazing and our defense has held teams to 16- and 18-point quarters,’’ saad ni Paul. ‘’With Blake back, he makes us that much more dangerous and you have to pick your poison.’’

Nagposte si Griffin ng 21 puntos at 9 rebounds sa Los Angeles, tumalon sa 68-47 halftime lead. Nagsalansan si DeAndre Jordan ng 15 puntos at 14 rebounds, habang inasinta ni Matt Barnes ang 18 puntos.

Bumagsak ang Boston ng half-game sa likuran ng Brooklyn para sa Eastern Conference’s eighth at final playoff spot. Tinalo ng Nets ang Los Angeles Lakers kahapon.

Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics na taglay ang 19 puntos. Itinarak ni Tyler Zeller ang 16, tumapos si Kelly Olynyk na mayroong 14 habang tinipa ni Brandon Bass ang 13.

‘’We didn’t provide any defensive resistance at all, nobody at all has against them lately if you look at their scores,’’ pahayag ni Celtics coach Brad Stevens.

Itinulak ng Los Angeles ang kanilang bentahe sa 35 puntos sa kalagitnaan ng third quarter. Naisagawa ng Boston ang huling pagsalakay kung saan ay lumapit sila sa 111-100 mula sa tres ni Gigi Datome, may 4 minuto pa sa laro, subalit agad ding rumesponde ang Clippers na kaakibat ang 5 sunod na puntos.

‘’Our ball movement is sensational right now,’’ ayon kay Los Angeles coach Doc Rivers. ‘’We haven’t been a great travel team up until now. We had amazing focus when we left on this trip. They felt like these are the games we can get.’’

Nagmula ang Los Angeles sa mabilisang pagsisimula, kung saan ay kinonekta nina Redick at Barnes ang malalayong buslo sa unang dalawang possessions. Nagkaroon din ng kahalintulad na panimula ang second half, kung saan ay naisakatuparan nina Barnes at Redick ang 3s upang muling tulungang mag-init ang koponan na taglay ang 14-4 run na nagtulak sa Clippers sa 82-51 lead.

‘’They played well, made a lot of shots early and kind of got us out of what we were trying to do, and then ran away with it,’’ lahad ni Olynyk.

Umungos ang Los Angeles sa 105-79 matapos ang third quarter.

Sa puntong iyon, tila nawalan na ng gana ang karamihan sa crowd at ang ilan ay naghihiyawan para sa dating Celtics na si Brian Scalabrine, na ngayon ay isa sa TV analysts ng koponan. Ilang bulto ng fans ang nagsilisan sa korte sa kasagsagan noon ng timeout, may 9 minuto pa sa laro.

Naantala ang laban ng halos 5 minuto sa huling bahagi ng fourth quarter nang kinailangan ng isang fan ng medical attention malapit sa bench ng Clippers at ito naman ay tinugunan ng Celtics team physician.

‘’From what I was told they think the person’s going to be OK,’’ pahayag ni Stevens.

TIP-INS

Clippers: Naging perpekto ang Los Angeles sa three-game sa East Coast swing, napagwagian ang average margin na 21.7 puntos. ... Napatatag ng dating Boston coach na si Rivers ang 4-0 laban sa Celtics simula nang tumuntong ito sa Clippers.

Celtics: Ikinamangha ni Stevens kung paano naglaro ang Los Angeles. ‘’If you don’t match (intensity) you get blown out and they’re capable of blowing anybody out anyway,’’ ayon sa kanya bago ang laro. ‘’I hadn’t watched the Clippers much until this week. I think they’re on a level with the elite. These guys are playing really well.’’

PLAYOFF TEST?

Ang susunod na laro ng Clippers ay kontra sa isa sa mga pinakamagagaling na koponan sa NBA, ang Golden State sa sariling pamamahay bukas.

‘’Don’t really value regular-season games,’’ pahayag ni Rivers. ‘’Playoffs, everybody has had the same amount of rest. But it will be a measuring stick and should be fun.’’

MOVE ON QUICKLY

Makakaharap ngayon ng Boston ang Charlotte. Napasama ang Celtics sa hanay ng mga koponan na patuloy na nakikipaggitgitan para sa tiket sa East sa huling dalawan playoff spots.

‘’Pretty much a must-win game for us,’’ ayon kay Zeller. ‘’It’s a playoff game against one of the team’s we’re battling against. We have to be ready.’’