Nagtungo na kahapon ang mga miyembro ng Team Philippines beach volley sa Bangkok, Thailand para sa makasaysayang misyon upang makapaglaro sa unang 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Sasabak ang koponan sa ikalawang qualifying round ng AVC Beach Volleyball Continental Cup Development Division para sa Southeastern Asia.

Magkasamang umalis sina Philippine Sports Commission (PSC) beach volley consultant Eric LeCain at manlalaro na sina Edward Ybanez, Jade Becaldo, Jonrey Sasing at Edmar Bonono na tangkang iuwi ang kinakailangang puntos sa gaganaping SEA East Asian Olympic Zonal Qualifier sa Abril 2 at 3.

“We really aim to be at the top three, ” pahayag ni LeCain. “Because only the top three will be advance to the next stage.”

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Target ng Pilipinas na maduplika ang pangunguna sa unang qualifying round sa pagwawagi sa Pool B katapat ang Cambodia na nagwagi sa Pool A na ginanap sa Valaya Alongkorn Rajabhat University sa Phatum Thani, Thailand upang makausad sa ikalawang round.

Ang tatlong mangungunang koponan sa men’s at women’s division ang makukuwalipika para sa South East Asian Zone competition kung saan ay awtomatikong nakatuntong ang Thailand, Vietnam at Indonesia bunga ng kanilang natipong puntos sa paglahok sa serye ng torneo sa FIVB_AVC beach volley tour.

Matatandaan na nagsagupa sa women’s competition ang Malaysia at Pilipinas na kapwa walang talo sa kanilang mga laban. Gayunman, dahil tatlong koponan ang uusad sa ikalawang round ng Southeast Asian Zonal competition ay awtomatikong umentra ang Malaysia at Pilipinas.

Ang Singapore at Myanmar ang maglalaban para sa ikatlo at huling puwesto sa susunod na round.