Pinabulaanan ng Malacañang ang mga ulat na inabandona na ng Pilipinas ang pag-angkin nito sa Sabah upang matiyak ang suporta ng Malaysia sa territorial dispute ng Pilipinas sa China.

“There is absolutely no basis to such report,” saad sa text message kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa mga mamamahayag.

Sinegundahan ni Lacierda ang pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose na hindi nabanggit ang usapin sa Sabah sa note verbale na ipinadala ng bansa sa embahada ng Malaysia.

Paliwanag ni Jose, ang Pilipinas at Malaysia, dahil may “excellent relations,” ay ilang taon nang nagbabahagi ng mga paraan upang maresolba ang isyu sa extended continental shelf (ECS) sa West Philippine Sea o South China Sea.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“The Note Verbale that was written about was part of this process. The Note is about the features in the South China Sea and their implications on ECS claims. Sabah is not in any way part of the Note,” paliwanag ni Jose. (Genalyn D. Kabiling)