Magkakaloob ang gobyerno ng Japan ng P4 bilyon sa Pilipinas para sa mga road project na layuning mapaluwag ang pangkaraniwan nang bumper-to-bumper traffic sa Metro Manila.

Sinabi ni Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na saklaw ng loan ang mga pangunahing kalsada upang resolbahin ang matinding traffic sa Metro Manila, kabilang ang mga flyover at road links.

Kabilang sa mga ito ang mga interchange sa EDSA/Roosevelt/Congressional, EDSA/West/North, at C-5/Green Meadows at North/Mindanao Avenue.

“We aim to continue working with the government to enhance connectivity, and mitigate traffic congestion and other hazard risks and urban issues through our cooperation projects,” sabi ni Niwa.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nakipagtulungan ang JICA sa Pilipinas sa paghahanda ng Transport Infrastructure Roadmap for Metro Manila at sa mga karatig lugar noong 2014.

Tinukoy sa Roadmap study ang pangangailangang agad na masolusyunan ang traffic sa bansa dahil, ayon sa pag-aaral, ay aabot sa P6 bilyon kada araw ang lugi ng gobyerno pagsapit ng 2030 kung hindi agad na masosoluyunan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa datos, 37 porsiyento ng Gross Domestic Product ng Pilipinas ay mula sa Metro Manila. - Aaron Recuenco