Pinakilos ni Department of Public Works ang Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang DPWH-Cordillera Administrative Region (CAR) na ipatupad ang isang experimental one-way traffic scheme sa Kennon Road upang paigsiin ang oras ng paglalakbay sa inaasahang pagdagsa ng mga turista na tutungo sa Baguio City sa Semana Santa.

Ang one-way traffic scheme ay mula sa Camp 1 Toll Gate sa Tuba, Benguet, hanggang Camp 7 Police Station (View Deck), Baguio City na ipatutupad ng hatinggabi ngayon (Marso 31) hanggang hatinggabi ng Abril 3 habang ang ibang National Road ay mananatiling two-way.

Bilang konsiderasyon, ang mga residente sa ay binigyan ng oras (window times) sa umaga at sa hapon mula 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at 5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi sa mga nabanggit na petsa upang bumaba sa Kennon Road. Dahil dito, isang espesyal na pass ang ibibigay sa mga sasakyan ng mga sertipikadong residente ng Kennon.

Upang matiyak ang kaligtasan sa lahat ng oras, naglagay ng mga billboard na nag-aabiso sa mga motorista ang one-way traffic scheme sa mga lugar ng Saytan, Rosario, hanggang Baguio City. Ang flagmen ay itatalaga sa bawat 500 metro mula sa Camp 1 hanggang Camp 7 upang mapag-ingat ang mga motorista sa two-way traffic sa panahon ng window times.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Mamamahagi rin ng flyers sa mga motoristang papasok sa Camp 1 sa panahon ng window times upang mabalaan sila sa two-way traffic.

Gayunman, ang mga oras na nakasaad sa flyers ay mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 una ng hapon at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi habang ang karagdagang isang oras na ibinigay ay upang bigyan ng sapat na oras para sa huling sasakyan na papasok sa Camp 7 Police Station na lalabas sa Toll Gate sa Camp 1.

Kaugnay nito, ang Regional Office at concerned District Engineering Offices (DEOs), lalo na sa Baguio City DEO at Benguet First DEO, ay inatasang buhayin ang kanilang mga composite team para sa “Lakbay Alalay” Motorist Assistance. Ito ay binubuo ng mga tauhan at mekaniko na tutugon sa mga emergency/aksidente at matulungan ang mga naglalakbay na publiko sa kanilang pagbiyahe.

Layunin ng one-way traffic scheme na mapaigsi ang oras ng paglalakbay mula sa mga lowland sa Cordilleras upang makaakit ng mas maraming turista sa panahon ng mga espesyal na okasyon, mga kaganapan at upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon.

Lahat ng mga kontratista ay nagsanib upang panatilihin ang mga seksiyon ng kalsada sa ilalim ng kontrata sa kanilang mga kumpanya na madadaanan ng 24/7, magbigay sa pamamahala ng flagmen at maglagay ng sapat at naaangkop na mga palatandaan ng mga magsisibaba. (Mina Navarro)