MONCADA, Tarlac - Isang 24-anyos na lalaki ang iniimbestigahan ngayon ng Moncada Police matapos niya umanong agawin at sunugin ang motosiklo ng kanyang kabarangay sa Sitio San Juanico, Barangay San Juan, Moncada, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay PO1 Globoy Paz, nahaharap sa arson at disobedience upon agent of person in authority si Zoren Christian Dagudon, ng nasabing lugar.

Dakong 3:00 ng hapon nitong Linggo, minamaneho ni Nowel Martin, nasa hustong gulang, ng Bgy. Poblacion 2, Moncada, ang kanyang pulang motorsiklo patungong Sitio San Juanico nang harangin at tadyakan siya ng suspek.

Ayon sa report, tinangay din ng suspek ang motorsiklo at sinunog.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Nang magresponde ang mga pulis ay pumalag si Dagudon at pinagmumura ang mga awtoridad hanggang tuluyang madakip.