Ngayon ay Martes Santo. Isa sa pinakapopular na mga tradisyon ng Santa Semana sa Pilipinas ay ang Senakulo. Ito ay isang dramatiko at makulay na pagtatanghal sa entablado na naglalarawan buhay ni Kristo Jesus na nakatuon sa Kanyang paglilitis, pagdurusa, at kamatayan. May mga naniniwala na nagmula ito sa liturhiya ng Biyernes Santo kung saan, sa pagbabasa ng ebanghelyo, ang kuwento ng pasyon ay nahahati sa mga bahagi at ipinamahagi sa iba’t ibang tao upang awitin, at ilang bahagi naman ang binibigkas. Mabilis nag-debelop ang Senakulo.

Sa mga lalawigan, karaniwang gumugugol ito ng walong gabi – mula Linggo ng Palaspas hanggang Pasko ng Pagkabuhay – upang itanghal ito samantalang sa mga abalang lungsod tulad ng Metro Manila, ang Senakulo ay maaari lamang tumagal ng dalawang oras.

Ang terminong Senakulo ay nagmula sa latin na Cenaculum na nangangahulungan ng “Upper Room”. Sa mga ebanghelyo, tumutukoy ito sa lugar kung saan isinagawa ni Jesus ang huling hapunan na kasama ang kanyang mga apostol. Ito ang lugar kung saan sinimulan ni Jesus ang paglalakbay ng kanyang pasyon na nagtapos sa Kalbaryo.

Ang Senakulo ay isang tradsyon sa Kuwaresma na naghahatid sa atin sa mga sandali ng pagdurusa at kamatayan ni Jesus hindi upang ipaalala na nagkasala tayo kundi ipagunita ang katapatan ni Jesus sa Diyos at sa Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan. Ang senakulo nawa ay maging isang okasyon na magpasalamat kay Jesus sa Kanyang nakapagliligtas na sakripisyo sa krus. Nawa ay hindi lamang ito maging isang atraksiyon sa mga turista kundi isang imbitasyon na maging tulad ni Kristo Jesus na bukas-palad, mapagkumbaba, at masunurin sa kalooban ng Ama.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras