Pinakakasuhan na sa Court of Tax Appeals (CTA) ng tax evasion ang sina Janet Lim Napoles at asawang si Jaime Napoles.

Sa inilabas na 18-pahinang resolusyon, nakakita sina Assistant State Prosecutors Stewart Allan Mariano at Mark Roland Estepa ng probable cause para kasuhan ang mag-asawa sa pinagsamang P61.18 milyong tax liability.

Matatandaang sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang nasabing halaga ay buwis ng mag-asawa para sa taong 2004, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011 at 2012.

Bukod sa maling impormasyong ibinigay ng mag-asawang Napoles, nabigo rin silang maghain ng income tax returns (ITRs).

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

Kamakailan ay sinampahan din ng katulad na kaso sa CTA ang anak ni Napoles na si Jeane Napoles sa hindi pagbabayad ng buwis.