Nananawagan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga pasahero na uuwi sa kanilang lalawigan ngayong Semana Santa na iwasang sumakay o huwag tangkilikin ang mga kolorum bus o mga paso na ang franchise mula sa ahensiya.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, nag–iikot na ang mga tauhan ng ahensiya sa mga bus terminal para masiyasat ang mga pampasaherong bus na may sapat na permit o prangkisa at hindi colorum na bibiyahe upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa kanilang lalawigan ngayong Holy Week.

Aniya, ang mga kolorum na bus at mga UV express van ay papatawan ng multang P120,000, suspension at kanselasyon ng prangkisa.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente