Daniel Padilla

TUWANG-TUWANG ibinalita sa amin ni Ms. Thess Gubi, ang Star Magic PR head, na ang kanilang alagang teen king na si Daniel Padilla ay nagwagi ng parangal sa Nickelodeon Awards. 

Ang sikat na sikat na si Daniel ang napili mula sa hanay ng mga nominadong bagets galing sa iba’t ibang bansa bilang 2015 Global Slime Star of Nickelodeon. 

Sey ni Ms. Tess, sa resulta ng botohan sa Nickelodeon ay run away winner ang anak ni Karla Estrada. Siyempre, agad namang itinawag sa kanila ng Nickelodeon ang pagkapanalo ni Daniel. Nagkaroon ng awarding ceremony sa Los Angeles, California last weekend. 

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Nagkataon din namang nasa America ngayon si Daniel para sa concert nilang “One Magical Night Concert Tour” kasama si John Lapus, magdyowang sina Xian Lim at Kim Chiu, at siyempre ang ka-love team niyang si Kathryn Bernardo.

Pero ang kuwento pa ni Ms. Thess Gubi, gustung-gusto man ni Daniel na tanggapin nang personal ang award, hindi umubra kasi nakaalis na ang grupo nila sa LA, patungo namang San Diego, nang ganapin ang awarding ceremony.

Bukod sa pagiging 2015 Global Slime Star of Nickelodeon, isa rin sa panlaban ng Pilipinas si Daniel para sa Favorite Asian Act in Kids Choice sa nasabing Nickedeon Awards night.