TARLAC CITY - Dahil sa matinding takot na ibagsak siya sa klase ay hindi agad na nakapagsumbong ang isang lalaking Grade 9 student ng Tarlac National High School Annex tungkol sa umano’y pang-aabuso sa kanya ng kanyang lalaking guro.

Sa ulat ni PO2 Analyn Mora kay Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo Jr., inireklamo ng 15-anyos na biktima ang guro niyang si Joselito Cayabyab, nasa hustong gulang, ng paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, Hunyo 2014 nang hipuan umano ng guro ang dibdib ng binatilyo at tinawag itong “pogi”.

Agosto naman nang tinawag umano ni Cayabyab ang binatilyo at sinabihan ng “Ang sarap nang amoy mo, para kang baby. Bigyan kita ng P3,000 at i-hotel kita.”
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador