Angelina Jolie

UNANG beses na nasilayan ang palangiting si Angelina Jolie sa pagdalo niya sa 2015 Nickelodeon Kids’ Choice Awards noong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) matapos siyang sumailalim sa operasyon nang ipinatanggal niya ang kanyang obaryo na nakitaan ng namumuong senyales ng cancer.

 Kasama ang kanyang mga anak na sina Zahara at Shiloh, nakita ang masayang si Jolie suot ang embellished black tank, habang nanonood ang mga tao kabilang sina Liam Hemsworth, Emma Stone, Kevin James at Nick Jonas.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, inihayag ng Unbroken director at asawa ni Brad Pitt na kailangan niyang ipaalis ang kanyang obaryo at fallopian tube na nakitaan ng senyales ng cancer.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Two years ago I wrote about my choice to have a preventive double mastectomy. A simple blood test had revealed that I carried a mutation in the BRCA1 gene. It gave me an estimated 87 percent risk of breast cancer and a 50 percent risk of ovarian cancer. I lost my mother, grandmother and aunt to cancer,” saad ni Jolie sa isang op-ed ng New York Times.

“I promised to follow up with any information that could be useful, including about my next preventive surgery, the removal of my ovaries and fallopian tubes,” pahayag  ng 39 taong gulang na aktres.

Aniya, ang isinagawang operasyon ay plinanong mabuti, at habang mas kumplikado kesa sa kanyang  naunang mastectomy, ang “effects are more severe” dahil ito ay “puts a woman into forced menopause,” base sa op-ed.

Agad niyang tinawag si Pitt, na buong magdamag na namalagi sa tabi niya, at ang mag-asawa ay nagkasundo. “You know what you live for and what matters. It is polarizing, and it is peaceful,” pahayag ng aktres.

Nagtungo ang Unbroken  director sa isang surgeon na gumamot din sa kanyang ina, Marcheline Bertrand, na pumanaw dahil sa ovarian cancer sa edad na 56 noong 2007, para sa karagdagang eksaminasyon. - Yahoo News/Celebrity