Dalawang sub-leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang namatay sa panibagong labanan ng militar sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao bagamat idineklara na ang suspensiyon ng all-out military offensive kahapon.

Kinumpirma ni 6th Infantry Division  Public Affairs chief Captain Jo-Ann Petinglay na kabilang sa namatay ang sub-leader ng BIFF na sina Kumander Bungos at Kumander Bisaya.

Ayon kay Petinglay na tinambangan naman ng BIFF ang ambulansiya na magdadala sana sa mga nasugatang sundalo sa pagamutan sa Brgy. Ilian, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Apat katao ang napatay sa nasabing pananambang matapos mahulog sa irrigation canal ang military ambulance.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines(AFP) na tatapusin nila ngayon ang inilunsad na all-out offensive laban sa rebeldeng BIFF sa Maguindanao at North Cotabato.

Ito ang napag-alaman kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang Jr. sa ginanap na pulong-balitaan sa Philippine Air Force (PAF) headquarters sa Villamor Air Base kahapon.

Ayon kay Catapang, nakamit na umano ng militar ang kanilang layunin na ma-neutralize ang 50 porsiyento ng BIFF.

Binangit pa ng General na nabawi na ng pamahalaan ang mga pagawaan ng bomba at nakubkob din ang kuta ng BIFF.

Ayon pa kay Catapang na umaabot sa 139 BIFF member ang napatay at nasa 53 ang mga sugatan kung saan 12 sa mga rebelde ang naaresto. Nabatid naman na 10 ang namatay sa grupo ng militar.