Vice Ganda

TIYAK na aabangan na naman ng mga tagahanga ni Vice Ganda ang kanyang susunod na major concert sa Smart Araneta Coliseum. Matatandaan na nang huling mag-concert sa Big Dome si Vice two years ago ay apaw ang mga nanood hanggang pinakatuktok na mga upuan ng Big Dome.

Huwag na siyempre banggitin na naging pinagsimulan din iyon ng isa sa pinakamalaking kontrobersiya sa career ng pinakasikat na komedyante sa kasalukuyan.

This time ay mas todong kasiyahan ang promise na ihahandog ng Kapamilya TV host, comedian, at recording star sa lahat ng makikibahagi sa kanyang fourth major solo concert na pinamagatang Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh Di Wow!

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Ayon kay Vice, sa stage pa lang ay gugulatin na nila ang audience. Nalaman namin na ipupuwesto sa gitna ng Big Dome ang stage na hitik sa special at high-tech concert effects.

“Ang show namin ay hindi lang basta SPG (strict parental guidance), SSSSSPG po siya,” pilyong sabi ni Vice.

Ang huling concert niya sa Araneta Coliseum na I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta ang tinanghal na highest-earning concert staged by a local artist for 2013. Ang dalawang nauna niyang hit concerts ay ang The Unkabogable Concert noong 2011 at May Nag-Text…Yung Totoo: Vice Ganda sa Araneta! noong 2010.

Production ng Star Events at ABS-CBN Events ang Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh Di Wow! na stage direction ni Paul Basinilio, TV direction ni Bobet Vidanes, at musical direction ni Marvin Querido.