SA kanyang 63rd birthday na ginawa sa Events Place Valencia ni Mother Lily Monteverde, ikinuwento ni Tirso Cruz III ang pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya na malaking trial noong nakaraang taon.

Na-diagnose si Pip na may stage 2 lung cancer. Pero dahil sa love and concern ng asawang si Lyn Cruz at ng mga anak na sina TJ, Boddie at Djanin at mga doctor sa St. Luke’s Medical Center, inalis ang lump sa kanyang lungs at naagapan ang pagkalat nito. Ang haba raw ng tahi niya sa dibdib at nagbirong hindi na siya puwedeng maging bold star.

“The most wonderful news that God has given me ay ang sinabi ng doctor ko na ‘You are 100 percent cancer free’,” balita ni Pip sa kanyang mga bisita na sinuklian ng masigabong palakpakan.

Anyway, handa na uling magtrabaho si Pip at naghihintay na lang ng schedule ng taping ng bago niyang soap sa ABS-CBN na Someone To Watch Over Me nina Judy Ann Santos at Richard Yap.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Sa nasabing okasyon na birthday at celebration of life, kasamang pinasalamatan ni Pip ang mga kaibigang press people na kahit nalaman ang tungkol sa kanyang sakit, hindi isinulat at ini-report sa TV ang tungkol doon.

Hinayaan ng press na maoperahan at magpagaling si Pip at siya na mismo ang magkuwento sa kanyang pinagdaanan na nagtapos sa kanyang paggaling ng lung cancer. --Nitz Miralles