Ni NITZ MIRALLES

SA inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na Top Individual Taxpayers for Taxable Year 2013, sa Top 20 ay nanguna si Manny Pacquiao na nagbayad ng P163, 841,863. Pero sabi ni BIR Chief Kim Henares, may kaso pa rin si Pacman sa hindi nabayarang taxes noong mga nakaraang taon.

Kasama sa Top 20 ang limang taga-showbiz sa pangunguna ni Piolo Pascual na nasa top 14 at nagbayad ng P 42,533,158. Top 15 si John Lloyd Cruz na nagbayad ng P41, 976, 592, at pasok sa top 16 si Kris Aquino na nagbayad ng P40, 481,146.

Nasa top 19 si Sharon Cuneta na nagbayad ng P39,049,235 at top 20 si Willie Revillame na nagbayad ng P38,305,824.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Kasama naman sa top 100 taxpayers sina Anne Curtis (36), Judy Ann Santos (44), Coco Martin (52), Vic Sotto (53), at Sarah Geronimo (99).

Abangan natin sa susunod na taon kung mababago ang line-up ng top individual taxpayers at kung magkano ang iko-contribute nila sa kaban ng bayan!