Isusulong ng Science Ambassadors ang tamang paggamit ng siyensiya at teknolohiya sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mamamayan sa komunidad upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Sa isinagawang Science Nation tour sa Region 2 (Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya), pinangalanan ni Department of Science and Technology (DoST) Secretary Mario Montejo bilang Science Ambassadors sina Justice Secretary Leila de Lima, Presidential Legislative Liaison Office Adviser Manuel Mamba, Senator Cynthia Villar, Rep. Carlos M. Padilla, Cauayan (Isabela) Mayor Bernard Faustino M. Dy, Dr. Mania Nilda M. Muñoz at Emmanuel M. Mendoza ng Intellectual Property Office.

Nasaksihan mismo ni Secretary Montejo ang ginhawang dulot ng siyensiya at teknolohiya sa mga taga-Region 2 dahil marami ang nagkatrabaho sa mga micro, small at medium enterprises sa rehiyon.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm