INFLATION ang pangunahing hinaing ng mga Pilipino, ayon sa resulta ng isang survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Marso 1-7, 2015. Ang inflation ay ang patuloy sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na kaugnay ng dami ng salaping nasa sirkulasyon, na nagreresulta sa kawalan ng halaga nito. Sa madaling salita, mahal ang mga bilihin.

Inflation of matataas na presyo ang ibinigay na pangunahing alalahanin ng 46 porsiyento ng mga respondent sa survey. Sinundan ito ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, 44 porsiyento; paglaban sa katiwalian, 40%; pagpapababa ng kahirapan, 37 porsiyento; at paglikha ng mga trabaho, 34 porsiyento.

Sa limang nangungunang alalahaning ito, apat ang isyu sa ekonomiya na nasa puso ng problema ng karaniwang mamamayan. Ang matataas na presyo ang suliranin ng bawat isa. Ang mababang sahod ang problema ng mga manggagawa Ang kawalan ng trabaho ang problema ng mga nagnanais na pagtuunan ng gobyerno ang paglikha ng mga trabaho. At sa kahirapan, ito ang problema na nilalayong resolbahin ng lahat ng administrasyon ngunit patuloy itong umiiwas sa anumang solusyon.

Ang katiwalian ang pangatlo sa listahan ng mga suliranin, dahil marahil sa mga exposé sa bilyun-bilyong pisong nawala sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang malalaking halagang ipinangtustos sa mga programa at proyekton ng Executive Department sa Disbursement Acceleration Program (DAP) nito na hindi naman aprubado kahit kailan ng Kongreso. Sapagkat ang apat na pangunahing suliranin ng bansa na may kaugnayan sa problemang pang-ekonomiya ng mahihirap ay kailangang makapagpakilos sa gobyerno na mas pagtuunan ng pansin sa mga isyung ito. Labing apat na buwan na lamang ang natitira sa administrasyong Aquino at maaaring makabuo ang mga economic planner ng gobyerno ng mga programa at bigyan sila ng sapat na pondo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hindi nito pinahihina ang solidong mga tagumpay sa eknomiya ng administrasyong Aquino – ang paglago ng Gross Domesic Product (GDP) at ang malaking improvement sa investment ratings ng bansa, kung saan ang Pilipinas ay naging isa sa mga nangungunang ekonomiya sa daigdig ngayon.

Ang kaunlaran, kung gayon, ay hindi “nakararating” sa mas mabababang level ng lipunan ng Pilipinas. Marahil ang kailangan ay ang mas pinaigting na pagsisikap, isang programang mas akma sa mga interes ng mga masa na nakasandig sa paligid ng paglikha ng mga trabaho. Inilahad ng Pulse Asia surey ang pinakamalalalim na hinaing ng sambayanang Pilipino at mas mainam para sa gobyerno na kumilos upang resolbahin ang mga ito.