Para sa bandila at bansa!

Ito ang naging sandigan sa naganap na madamdaming pulong sa pagitan ng ilang miyembro ng Amihan at inihalal na pangulo ng bagong Larong Volleyball ng Pilipinas, Incorporated (LVPI) noong Biyernes kung saan ay malalim na pinag-usapan ng dalawang kampo ang paglalaro para sa pambansang koponan.

Isiniwalat ng isang impormante, na mismong naging saksi sa naganap na pagpupulong, na lubhang naging malalim ang paliwanagan at pagpapalitan ng mga komento at hinaing sa pagitan nina Romasanta at mga manlalaro bago tuluyang naghiwalay na bitbit ang pag-asa para sa pambansang koponan.

“It was a great discussion and explanation and exchange of comments and chronicles of event,” sinabi ng source. “One side wanted to play but is tied to a commitment while the other side looks at the best possible team that will represent the country in the international tournament,” ayon pa sa source.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Napag-usapan umano sa pulong ang kahalagahan na maipakita muli sa internasyonal na komunidad ng volleyball na isa sa pinakamagaling ang Pilipinas bagamat matagal nang ‘di nakapagpakitang gilas bunga ng kawalan ng maayos na liderato at pagsuporta sa mga atleta ng dating asosasyon.

Optimistiko rin ang naging pagtanaw ng mga dumalong manlalaro sa kanilang pakikipagharap sa mga opisyal ng LVPI kung bagamat wala silang iniwang pangako bunga na rin ng kasunduan sa kinaaanibang Philippine Volleyball Federation (PVF).

Matatandaan na sinabi ni national coach Roger Gorayeb, na siyang hahawak sa Team Philippines Women’s Under 23 na isasabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Under 23 Championships at sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore, na bukas ang koponan para sa mga manlalaro.

“Players must be neutral. They should play for flag and country and not for the association,” pahayag ni Gorayeb sa pagdalo nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kamakailan.

Sisimulan naman ni Gorayeb ang pagsasanay sa PH Under 23 matapos ang Mahal na Araw sa Ateneo Gym.

Maliban kay Aby Marano na hindi nakapasa sa age limit, magkakasama sa koponan sina UAAP back-to-back MVP Alyssa Valdez, ang kakampi sa Ateneo na si middle blocker Bea de Leon, libero Denden Lazaro at setter Jia Morado, ang Santiago sisters na sina Dindin at Jaja, ang UAAP Rookie of the Year awardee na si EJ Laure, UAAP best blocker Ria Meneses, La Salle setter Kim Fajardo, Alyssa Eroa, Myla Pablo, Kim Fajardo, Tin Agno at Christine Rosario.