NASA SETUP LANG ‘YAN ● Habang nalulugmok sa dusa, takot, at matinding kahirapan ang ilang rehiyon sa katimugan ng ating bansa dahil sa terorismo, ramdam naman sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya ang kaginhawahang idinulot ng teknolohiya. Kamakailan, nagsagawa ng isang Science Nation tour ang Department of Science and Technology (DOST) at bumandila ang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) na isang livelihood assistance para sa maliliit na negosyante sa layuning palaguin ang mga ito upang maging maginhawa ang pamumuhay ng mga mamamayan at sumigla ang kanilang ekonomiya.

Ani DOST Secretary Mario Montejo, “Through SETUP, small enterprises will increase their productivity and competitiveness in the world market. It creates jobs and could boost the economy in the locality and the nation as well.” Kasama sa mga makikinabang sa SETUP ang Food Innovation Center sa Cagayan State University, Ceramics Water Filter sa Sta. Maria, Isabela, TBI Bamboo Processing Center sa Villa Luna, Cuayan City, Isabela, Agricomponent Machineries and Construction Corporation sa Cauayan, Isabela at Base Wood Products sa Mambabanga, Luna, Isabela. Itinataguyod ng DOST ang SETUP, kung saan nagbibigay ng ayudang teknikal at pinansiyal sa maliliit na negosyante sa larangan ng food processing, furniture, metals and engineering, horticulture at agriculture at health products. Maaring mag-apply ang may micro, small at medium enterprise gayundin ang local na pamahalaan. Hihihimok ng DOST ang mga mamamayan sa pamamagitan ng SETUP sa temang “Agham Na Ramdam” na gumamit ng teknolohiya sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa siyensiya at teknolohiya, hindi imposibleng maamot ang maginhawang pamumuhay.

***

HINDI PUWEDE ● Naglabas ng posisyon ang Simbahan tungkol sa pagpapaphintulot ng diborsiyo sa Pilipinas; ayaw po ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), lalo na ang decriminalization ng adultery at concubinage. Anang CBCP, taliwas ang mga ito sa mga isinusulong ng Konstitusyon na protektahan ang pamilya at ang mga anak. Hindi raw sagot ang deborsiyo sa mag-asawang hindi na magkasundo sapagkat may mga paraan naman sa ilalim ng batas tulad ng legal separation, annulment at declaration of nullity at batas sa violence against women and children. Kung lilinawan lamang ang pag-iisip, madali namang ayusin ang nagigibang samahan. Pairalin lang mga dahilan kung bakit nagmahalan ang magkasintahan noon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands