Marso 30, 1940 nang itatag ng Japanese troops ang isang puppet regime sa Nanking, ang sentro ng gobyerno ng Nationalist China na pinamunuan ni Chiang Kai-shek. Pinamunuan ng Japanese puppet na si Wang Ching-wei ang rehimen.
Sa utos ni Gen. Matsui Iwane, aabot sa 50,000 sibilyan ang pinatay ng Japanese troops, at libu-libong katao ang hinalay. Wasak ang one-third ng mga gusali sa Nanking sa kasagsagan ng Japanese “war of terror”.
Ipinaliwanag ng tropang Japanese ang kanilang war plans noong 1937 sa pagsasabing nilabanan sila ng Chinese troops sa isang “autonomous” region sa China. Sinakop ng mga Japanese ang hilagang silangang China, at binuo ang Manchukuo.
Noon ay nagkakaloob ang United States, United Kingdom at France ng pera at supply sa China, hanggang isara ang Burma Road matapos sakupin ng Japan ang Indochina.