Inaasahang mag-iikot ngayong linggo si Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga pangunahing terminal sa Metro Manila upang tiyakin ang seguridad ng mga bibiyahe pauwi sa mga probinsiya ngayong Semana Santa.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na magkakaroon ng inspection tour ang Pangulo kasabay ng pagpapaalala niya sa mga ahensiya ng gobyerno at mga transport company na magpatupad ng “extraordinary diligence” upang masiguro ang kaligtasan ng mga bibiyahe pauwi sa mga lalawigan ngayong linggo.

“From the time he started his administration, the President conducts inspections of our terminals, shipping ports, airports. As our Filipino countrymen go back to their respective provinces to celebrate and to contemplate on Maundy Thursday and until Easter Sunday, the safety of our people is important,” sinabi ni Lacierda sa isang panayam sa radyo. “With respect to the details of the President’s inspection, let’s just wait for further announcement.”

Umapela rin si Lacierda sa publiko, partikular sa mga motorista, na gawin ang mga hakbangin para matiyak ang ligtas na pagbibiyahe ngayong Kuwaresma. - Genalyn D. Kabiling
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!