Hinimok ng mga mambabatas ang gobyernong Aquino na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista upang tuluyan nang matuldukan ang ilang dekada nang insurhensiya sa bansa.

Nagsilbing government peace negotiator sa Communist Party of the Philippines (CPP) noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at naging Justice Secretary sa termino ni dating Pangulong Fidel Ramos, sinabi ni 1-BAP Party-list Rep. Silvestre Bello III na hindi dapat na nakatutok lang ang gobyerno sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao, at sa halip ay tiyaking magpapatuloy din ang peace negotiations sa CPP.

“We cannot have a partial peace in our country and the government should push the peace process forward in all fronts,” sinabi ni Bello sa isang panayam, na nataon sa selebrasyon ng ika-46 anibersaryo ng New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng CPP, kahapon, Marso 29.

Dahil dito, nasa red alert status ang militar simula pa nitong Marso 28.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I don’t even understand what our government’s position on the talks with the National Democratic Front (NDF)-CPP-NPA,” ani Bello.

“The President should start getting the advice of former President Fidel V. Ramos and also Ambassador Howard Dee who was the chair of GRP peace panel talking peace with the NDF-CPP-NPA who is also the father in law of his sister, Viel,” mungkahi ni Bello, miyembro ng House minority bloc.

“He should also consider getting as advisers to the panel representatives from the Senate and the House of Representatives,” ani Bello.

Disyembre noong nakaraang taon nang napaulat na ikinokonsidera ng gobyerno at ng NDFP ang pagkakaroon ng kasunduan sa ceasefire at mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III sa 2016.

Nauna na ring sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na bagamat wala pang pormal na pulong na namamagitan sa dalawang panig kaugnay ng pagpapatuloy ng peace talks, kapwa bukas naman ang gobyerno at ang NDFP sa pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaan.