Gagamitin lang umano ang peace council na binuo ni Pangulong Benigno S. Aquino III para maisulong ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang sinabi ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabing hindi maaapektuhan ang gawain ng Senado sa pagbuo ng peace council.

“Initial reactions ko rito (peace council), para ikampanya ang BBL sa taumbayan. Kasi totoo naman na nawalan ng tiwala ang tao hindi lang sa MILF (Moro Islamic Liberation Front) kundi sa BBL at sa buong peace process,” sabi ni Marcos Sinabi pa ni Marcos na sana ay maging informative ang peace council para aktuwal nitong matutukan ang tunay na laman ng BBL at hindi ito maging tagapagsalita ng gobyerno.

Balewala rin kay Marcos ang paliwanag ni Pangulong Aquino, dahil wala naman daw bago sa nasabing peace council, at sa halip ay nakagulo pa umano.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ng senador na ilan sa mga dapat ipaliwanag ng peace council ay ang napakalaking budget na nakapaloob sa BBL.

Aniya, aabot sa P75 bilyon ang budget ng BBL, mas malaki pa sa budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ganito rin ang pananaw ni Sen. Francis Escudero, na nagsabing dapat na himayin ang lahat ng probisyon sa BBL.

Nangangamba rin sina Marcos at Escudero sa posibilidad na magamit lang ang budget sa recruitment ng MILF, lalo at napaulat na tuluy-tuloy ang pagpaparami nito ng miyembro.