Hiniliing ni Senator Grace Poe sa Department of Transportation and Communications (DoTC) na atasan ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-3 na isauli ang pasahe ng mga pasaherong naaapektuhan kapag nabubulilyaso ang biyahe ng tren.

Sinabi rin ng senadora na dapat na magbigay ang pamunuan ng MRT ng kumpletong ulat kung bakit madalas maabala ang biyahe o masira ang tren na nagdudulot ng perhuwisyo sa mga pasahero.

“The inconvenienced MRT passengers must be compensated accordingly and their fares reimbursed. The unfortunate series of breakdowns were aggravated by the poor, incapable and incompetent maintenance of the MRT. This is frustrating,” ani Poe. “At the very least, the DoTC must implement all it can at the moment to ease the burden and guarantee the safety of the riding public.”

Sinabi pa ni Poe na dapat na agad ibigay sa kuwalipkadong maintenance contractor ang pangangasiwa sa MRT.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Marso 26 nang napilitang maglakad ang mga pasahero ng MRT sa Santolan Station matapos na biglang tumigil ang biyahe ng tren nang halos 30 minuto.