Sasailalim sa facelift ang Chinatown ng Binondo sa Maynila kapag nasimulan na ngayong Lunes ang konstruksiyon sa bagong arko o gateway na magbibigay ng bagong imahe sa 400-anyos na commercial district at inaasahang makaaakit ng mas maraming turista sa lugar.

Ang 22-metro ang haba at 15-metro ang taas na bagong entrance gate ay donasyon ng Binondo Filipino-Chinese community sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Itatayo ito sa Quintin Paredes Street, malapit sa paanan ng Jones Bridge.

Si Architect Saul Simon Tan ang nagdisenyo ng bagong Binondo arch, na tatampukan ng moderno at tradisyunal na disenyo na may tatlong Pagoda sa Chinese carvings.

Itinakda ng pamahalaang lungsod ang inagurasyon nito Hunyo 24, Araw ng Maynila.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Simula ngayong Lunes, ang mga sasakyang dadaan sa Jones Bridge patungong Binondo ay dapat na kumanan sa Escolta dahil tatagal hanggang Hunyo 22 ang pagtatayo sa makasaysayang istruktura, ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU). - Jenny F. Manongdo