Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme nito ngayong Kuwaresma.

Sa pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sinabi niyang kanselado ang number coding sa Abril 1-3 (Miyerkules Santo, Huwebes Santo at Biyernes Santo), gayundin sa Abril 6 (Lunes) at Abril 9 (Huwebes) kaugnay naman ng paggunita sa Araw ng Kagitingan (Day of Valor).

Samantala, inabisuhan ni Tolentino ang mga motorista na simula ngayong Lunes ay asahan na ang pagsisikip pa ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila hanggang sa matapos ang Kuwaresma, bunsod ng inaasahang pagdagsa sa mga bus terminal, paliparan at pantalan ng magsisiuwian sa probinsiya, gayundin ang pagbabalik ng mga ito sa Kamaynilaan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente