Ilang araw bago ang Semana Santa ay planado na ang pagpapakalat sa mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa areas of convergence, gaya ng toll plaza.

Ayon kay HPG Spokesperson Supt. Elizabeth Velasquez, kalahati sa kanilang mga tauhan ay ipakakalat sa mga lansangan upang masiguro ang payapang biyahe ng magsisiuwian sa kani-kanilang probinsiya.

Aniya, itinalaga ng HPG maging ang mga babaeng tauhan nito na may sapat na kaalaman sa motor vehicle inspection at marunong kumilatis kung may sira ang sasakyan.

Titiyakin din na maayos ang kondisyon ng driver.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists