ANG Semana Santa ay panahon ng pag-uwi ng ating mga kababayan sa kani-kanilang lalawigan. Pangunahing layunin, bukod sa bakasyon ay magkaroon ng pagkakataon na makiisa sa paggunita ng Semana Santa. Ang mangilin, magnilay, magbalik-loob, mag-via crucis, mag-visita iglesia kasama ang pamilya, at lumahok sa mga tradisyong binibigyang-buhay at pagpapahalaga na kaugnay ng paggunita ng Semana Santa.

Ngayong Lunes Santo, sinisimulan ang Lakbay-Alalay sa Rizal. Isang programa tuwing Semana Santa na inilulunsad ng DPWH Rizal Engineering District l at Rizal Engineering District ll sa pangunguna nina District Engineer Roger Crespo at District Engineer Ed Peralta. Ang Lakbay Alalay sa Rizal, ayon kay DE Roger Crespo ay mag-uumpisa ng 8:00am at matatapos hanggang sa umaga ng Abril 6. Ang station ng Rizal Engineering District 1 ay nasa km 35+400 ng Manila East Road sa Binangonan, Rizal. May naka-duty na sampung tauhan ng RE District 1 ng 12 oras sa first shift at 10 tauhan din sa 2nd shift. May 4 na service vehicle at dalawang dump truck para maikutan at mamonitor ang kalagayan ng 16 na road section ng unang distrito ng Rizal at mabigyan ng assistance ang mga kababayan natin magkakaproblema sa paglalakbay at ang mga magbi-visita iglesia sa iba't ibang simbahan sa Rizal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa bahagi naman ng Rizal Engineering District II, ayon kay District Engineer Ed Peralta, ang station ay nasa Sakbat Manila East Road sa Morong, Rizal. May mga tauhan din na 24 oras na naka-duty. Naka-monitor at naglilibot sa road section ng mga bayan sa eastern Rizal upang tumulong sa mga motorista na nagkakaaberya sa kanilang paglalakbay. Gayundin sa mga kababayan natin at mga pamilya na nagtutungo sa iba't ibang simbahan upang magbi-via crucis o way of the cross at visita iglesia na bahagi ng kanilang panata kung Semana Santa. Ang mga simbahan sa eastern Rizal na pinupuntahan ng mga namamanata ay halos 400 taon na. Itinayo ng mga misyonerong paring Hesuwita na mga tourist arrraction na ngayon sa Rizal.

Ang Lakbay Alalay sa Rizal ay batay sa utos ni Director Samson L. Hebra, ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-A Calabarzon. Saklaw ng kautusan ang lahat ng district engineer at ang lahat ng area equipment emgineer sa buong Calabarzon.