PANAY ang biro ng showbiz reporters kay Heart Evangelista nang mag-ribbon-cutting ang pinakabagong branch ng Uncle Tetsu sa Megamall nitong nakaraang Huwebes.

May bagong ‘Chiz’ na raw pala sa buhay niya.

Ang Uncle Tetsu ay ang 66-year-old Japanese traveller na nasa likod ng popular na Uncle Tetsu Cheese Cake. Matatagpuan ang Uncle Tetsu Cheese Cakes sa China, Taiwan, Thailand, Singapore, Malaysia, Cambodia, at maging sa US.

Dumating ang Uncle Tetsu brand sa Manila noong nakaraang taon at agad ding naging paborito ang cheese cakes nito, katunayan ang laging maraming kustomer sa stores nito sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM San Lazaro, SM Bacoor, SM Manila, The Podium, at Alabang Town Center.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinakabago nga ang branch sa Megamall, na dinaluhan ni Heart bilang brand ambassador.

“The popular Japanese CheeseCake brand recognizes Heart’s gentle, elegant, and multi-dimentional image as a reflection of the light, delicate, and flexible character of its cheesecake achieved through a tradition of careful selection of the finest and freshest all-natural ingredients,” sabi ng kinakatawan ng kompanya.

Ang Uncle Tetsu’s popular Japanese-style cheesecake ay may sangkap na premium cheese at butter at farm fresh eggs and milk. Hindi ginagamitan ng preservatives ang lahat ng cake na freshly-baked araw-araw. Ang eleganteng lasa nito ay nasa katamtamang tamis ang sekreto, at kinawiwilihan ang natatanging lambot at melt-in-your-mouth texture.

“Uncle Tetsu Cheese Cake is just perfect,” pagmamalaki ni Heart. “It’s totally delicious and filling but because it’s light and fluffy, it’s not heavy on the tummy. No wonder it has remained a favorite by many people in other countries, and has been embraced just as warmly by Pinoys. I’m so glad to be its brand ambassador in the Philippines.”